Friday, July 15, 2005

This week's rally was a big one, so we were looking out of our office window when it passed by RCBC (they're walking along Ayala Ave.). My officemates were seriously debating on the current political situation; others were complaining on the difficulty of going home due to this mass rally. There I was, standing, leaning on the glass window (of the 24th floor) when all of a sudden I let out a laugh. Confused, my officemates looked at me as if to ask, "what on earth is funny?" Well, as I'm seriously contemplating on the number of people walking arm-in-arm along Ayala, I saw some yellow thingies being pushed by a single person. I think I saw three of the same kind. I tried hard to figure out what those are... (If you're on the 24th floor, it may be hard to figure out!) Then I finally did! Fishball carts! Hahahaha... I even saw a taho vendor trying to keep up with the people's pace. Filipino entrepreneurs on the loose! :)

Anyway an officemate forwarded this email [still in connection with the Ayala Avenue rally]. It reads: (My apologies to the non-Filipino speaking peeps, I don't have the energy to translate this for you; and, it wouldn't capture the emotion if I did translate it.)

From: Law Division - Countryside Litigation Department - MBTC
[mailto:tlsabado@metrobank.com.ph]
Sent: Wednesday, July 13, 2005 5:15 PM
Subject: FW: Message to/from workers in Makati


All ye Makati - esp. Ayala/Paseo/Herrera/CBD workers:
Ano ba? Di ba tayo kikibo at magrereklamo na tuwing may %&#@ rally dito sa Ayala-Paseo Makati, tayong mga manggagawang galing sa mga lugar na malalayo, sasakay ng MRT, bus, FX, jeep, carpool, etc. ay kailangang bumaba either sa Landmark, Rustan's, etc. at maglakad patungo sa ating mga tanggapan? Ang iba sa atin, siguro, alas-kwatro pa lang ng umaga, naliligo na, nagsa-shampoo pa, magsusuot ng bagong plantsa at amoy Downy na uniporme, magsusuot ng bagong-kiwi or shine na sapatos (naka 2-3 inches high heels pa ang karamihan diyan) - tapos, sasabihin ng driver na, "hanggang dito na lang po, pasensiya na at sarado na ang derechong Ayala. Maglalakad na lang po tayo." Pagdating
mo sa opisina, amoy ewan ka na. Sa uwian ganun din. At kung sinuswerte ka, maglalakad ka ng umuulan-lan or umaambon-ambon pa. Bwisiiiit!

Matanong ko lang. Ilang empleyado o mangagawa ba ng Ayala/Paseo/BCD ang sumasali sa mga rally na ito? Kung konti o halos wala, bakit di na lang idaos ang rally nila sa mga matatao ding lugar na di nakapipinsala o nakaaabala sa mga gustong maghanapbuhay dito sa parting Ayala?

Mayor Binay - alam naming maluwag naman po sa bandang C-5 or sa parteng Pembo/Comembo, o kung saan man niyo pwedeng i-designate na lugar sa Makati. Sa palagay ko po, marami rin po ditong mga tao na makikinig sa mga talumpati o program na gustong iparating ng mga raliyista. Di po ba pwedeng dito na lang po kayo mag-bigay ng permit sa mga raliyista? Ke maka-Gloria, anti-Gloria, pro-Resign, pro-Chacha, etc. walang kaso. Okay lang yan! Mayroon (pa naman) tayong karapatan para sa malayang pamamahayag.

Pakiusap lang po. Maawa naman po kayo sa amin. Karamihan man sa amin ay di taga-Makati, marami po sa amin dito ay sa Makati nagbabayad ng buwis at nag-papaandar ng ekonomiya, di lang ng Makati, kundi ng buong bansa. Sana ay pangalagaan din po ninyo ang aming kapakanan bilang ama ng Makati.

If you agree, please forward to your friends working in Makati hanggang makarating (sana) sa ating mahal na alkalde.

I'm not quite sure if it was my officemate who added this:
Dagdag ko lang tong napulot kong coupon eto this morning sa Ayala, wow may seal pa ng Makati City at ang claim counter ay Makati city hall pa, common knowledge naman ang hakot system pero sana di naman ganito ka bulgar/garapal ...Paging Mayor Binay!
Image hosted by Photobucket.com

No comments: